Sometimes, thoughts of our hearts must be expressed in words. and here it is:
Madalang akong sumulat ng mga ganito para sa mga tao...sa totoo lang iilan pa lang kayo.
Madalas para sa Nanay ko at ilang mga kakilala. Mga taong talagang itinuturing kong malaki ang anging bahagi sa buhay ko. Kung sino ako at kung nasaan man ako ngayon.
May taglay kang karisma na wala sa iba. Sasabihin ko sa'yo sa kabila ng mga pagkakaiba nating dalawa bilang tao nahatak mo ako. Oo, nahatak mo ako na gawin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. Ang pag utot ng malakas, ang pagsinga sa damit, ang pagtatali ng sintas sapantalon, ang pagsimot sa ketsup ng mcdo at jollibee na minsan nakakasama na ang tinta ng pouch sabay sabing "hmmm...saaaraaaappp...". Ito ang mga bagay na nagpakilala sa akin na tao pa din pala ako. Nag paalala sakin na kahit na sa mga simpleng bagay at pagkakataon, pwede pala maging masaya.
Agapay ang bigay mo sa aking paglalakbay. Akala mo lang siguro na wala kang nagawa, ngayon sasabihin ko sayo, ikaw ang siyang naging kaagapay ko sa aking paglalakbay. Yes, maraming mga pagkakataon na lingid sa iyo at hindi mo alam na may mga mabibigat akong pinagdadaanan, pero ang iyong presensya, ang iyong mga encouraging and inspiring texts, ang iyong mga tapik sa balikat, hawak sa kamay at ang iyong mga akbay ay nagsasabing, kaya natin to...kasama natin si Papa Lord!
Rakista! Yes, Your rock my life! Ano ibig kong sabihin? ah, nananhimik ako tapos binulabog mo. Hehe, in a positive way. Ipinamulat mo sa akin ang tunay na mundo, napalabas mo ako sa aking comfort zones. BUhay kalye, buhay labas nakita at naappreciate ko. Masaya naman pala. Nabago ang pagtanaw ko sa mga taong may tattoo. Nabago pagtingin ko sa mga taong nagkukwentuhan sa kalye. Nabago lahat, dahil itinuro at ipinakita mo ang mga ito. Binulabog mo, kasi mas tinuruan mo din akong umunawa ng mga kahinaan ng tao. Na walang perpekto, pero kapag ginamit ang puso makikita na sa kabila ng lahat ay pwedeng mahalin, tanggapin at patwarin ang isa't isa.
Kahinaan ay hindi dapat pala maging hadlang sa isang masaya at mapayang pagsasama. Hindi pala ito dapat maging sanhi ng pagkasira ng tunay na sinimulang maganda. Hindi pa ito dapat maging hadlang para ipagpatuloy ang nasimulang tunay na pagkakaibigan. Yes, ikaw na ang lahat, kaibigan, kaagapay, kapatid, tagapagturo, inspirayon, kapartner sa lahat ng bagay (partner in crime sabi nila, ahehe), ang maganda pa lagi nating kasama si papa Lord. Grabe naman yun, prayer partner pa tayo, taga salo, tagapagtanggol. Lahat na yun!
Akala mo lang na walang magandang naidulot sa akin ang mga panahong ito, meron, kaya isang pasasalamat ang sa iyo ay hanog ko. Maraming salamat kasi sa kabila ng lahat nandito pa din tayo kasama ang ating mga mahal na pamilya at mga kaibigan...ang KUsh Clan na walang iwanan...Maraming bagay ang aking natutunan, promise!
Kahit may mga alitan, hindi pagkakaunawaan, tampuhan, wala pa namang bangayan at away talaga, ahehe...eh nakatutuwang hanggang ngayon eto pa din tayo solid kasama ang mga kaibigan at pamilyang tunay na nagmamahal...Dalangin ko ang katatagan at ang magandang kalusugan para sa lahat. Nawa ay mamayani ang kapayapaan at pagmamahalan sa puso ng bawat isa. Salamat papa Lord sa biyaya ng taong ito.
Mark Anthony N. Tayo isa kang regalo ng Diyos sa iyong mga kaibigan, sa iyong mahal na pamilya at sa akin...isa kang inspirasyon sa marami, nawa'y magpatuoy ka sa paggawa ng tama, mabuti at akma, nawa'y tuloy tuloy ang pag abot mo sa iyong mga pangrap. Maraming salamat sa iyo Pareng ko.
Prayer:
Lord, bless my inspiration, my beloved Pareng Ko. Amen.
No comments:
Post a Comment